summer happenings pt. 3 : personal experiences

and to wrap things up.

ewan ko. pero sobrang fun nito. best 20 pesos i've ever spent.akalain mong may grumaduate na sa aming magkakaibigan. well, technically hindi pa siya tapos mag-aral kasi mag-mmed school siya, pero nonetheless, si paul ang unang nagkaroon sa amin ng bachelor’s degree. legit.

pero enough about that. mas pagtuunan natin ng pansin yung blow out niya para sa amin kasi siyempre, obliged siyang gawin yun. lahat ng grumagraduate obliged gawin yun! hahaha. nakalimutan ko na yung resto na kinainan namin sa Nuvali pero yun lang naman talaga ang dapat niyong malaman : nagpakain siya sa Nuvali. we rolling like the big boys na. hahaha.

sobrang sarap talaga kumain kapag libre. iba yung dating eh. at yung conversation namin? pang reality tv show. walang binatbat yang PBB teens na yan.

migz : ay lem, binebenta niyo yung sasakyan niyo diba? anong model nga pala ulit yun?

lem: volvo s60 (di ko matandaan kung anong series haha)

migz : nice. meron kasi akong kilala na bumibili ng mga sasakyan. baka pwede kitang i-hook up.

lem : oy ayos yan!

carlo : nakita niyo na ba yung bagong sasakyan nila paul? yung legacy.

migz : wow. so ano na mangyayari dun sa forester niyo?

carlo : kay paul na ata yun eh.

paul : hindi ah.

migz : may idea ako! at sobrang magbebenefit tayong apat. benta mo na yang jimny mo since may forester ka na. wala pang isang taon yan, tapos judging sa mileage, pwede pa natin mabenta ng around 500k? wucha think lem?

lem : oo sirs. malakas pa sa 500k yang kotse ni paul.

migz : o tapos, ganito hatian. 300k para sa inyo ni mao. magpaparaya na kami. 200k na lang sa amin. oh edi lahat panalo diba?

paul : bakit ko kayo bibigyan ng 200k?

carlo : hindi hindi. di mo yung literally ibibigay. i-iinvest mo yan sa amin!

lem : yown. tama si carlo. investment sirs!

migz : tapos ganito pre. pag ininvest mo sa amin yung 200k, yung kikitain mo sa pagiging doktor for 10 years, ibibigay namin sayo in 2 months! oha.

carlo : natumpak ni migz.

lem : onga paul, invest mo na sa amin yung 200k.

paul : WHAT THE FUCK?

well hindi yan verbatim, pero gets niyo naman yung gist. hahaha. sobrang saya talaga kami maging kaibigan. kaya kung ako sa inyo, mag-iinvest din kayo sa amin. hahaha.

dun din pala namin naisipang magkaroon ng bagong hobby : ang maglaro ng ultimate frisbee. sobrang informal ng training namin kasi wala naman talagang marunong. tapos yung disc na gamit namin, ninenok ko lang sa ka-org ko. pero hey, mas dramatic yun pag ginawan na kami ng documentary.

ay, onga po eh. nanggaling lang po kami sa streets at di namin afford yung mga frisbee camps. natuto lang po kami maglaro sa youtube. and the rest is history.

stacks on deck, patron on ice.

muli ko ding binalikan yung mga nausong kanta dati. sayang at wala na akong listahan nung mga kanta ko sa iTunes nun. nagkaroon kasi ako ng epiphany. para sa akin, 2008 ang golden era ng hip-pop music. mga nigger na kanta na pwede kahit hindi ka nigger. dito rin natin unang nakilala si t-pain na nagpauso ng autotune na halos lahat ata eh ginagamit ngayon.

Low ni FloRida. Forever at With You ni Chris Breezy. The Way I Are ni Timbaland. I Kissed A Girl ni Katy Perry. Im Yours ni Jason Mraz. Lollipop ni Lil Weezy. Closer ni Ne-Yo. No Air ni Jordin Sparks. Paper Planes ni MIA. Love In This Club ni Usher. Check Yes Juliet ng We The Kings. Disturbia ni Rihanna. Sexy Can I ni RayJ. Superstar ni Lupe Fiasco. Whatever You Like ni T.I. at marami pang iba.

sobrang hilig ng mga pilipino sa zipline ngayon. di ko alam kung bakit. at dahil nanggaling ng samar si melvin at si dax naman ay sa leyte, nagkaroon ako ng dalawang primary source of information kung totoo nga bang may zipline mula samar papuntang leyte na korteng ‘S’ gaya ng san juanico bridge. unfortunately, wala pala. sayang. yun pa naman ang national sport natin at isang magandang ideya kung magkakaroon nga ng zipline sa pagitan ng dalawang islang iyon.

may dalawang bagay akong ayaw sa malabon. una, dumura ka lang sa kalsada, babaha na kaagad. at pangalawa, bayantel ang internet ng mga pinsan ko kaya di talo kapag maglalaro ng dota. pero sa wakas, nagpakabit din sila ng pldt dsl. hindi ko na kailangang problemahin na hindi ako makakapag garena kapag tatambay kami dun. (though may RGC naman na sobrang ISP-friendly). at hindi lang yun ang good news. sobrang bilis ng inner nets nila. nakakatakot. literally. –_-

natapos ko na din pala yung larong terraria. medjo na-hook din kami dito ni boji kasi sobrang simple lang ng gameplay. 2d side scrolling rpg na may halong minecraft in a sense na pwede kang gumawa ng mga bagay bagay gamit yung mga resources na nasa paligid mo. meron pa siyang multiplayer feature. at 8bit siya kaya sobrang solb solb yung inner nerd needs mo.

and lastly, meron akong parang portfolio kuno. kayo na lang ang humusga. haha.

sana na-enjoy niyo yung summer vacation ninyo kasi sabi nga ng isa kong kaibigan, “summer is just a phase”. at sa kasamaang palad, ehhh, tapos na ang phase na ito. kailangan na naman nating maghintay for around 9 months at medjo matagal tagal ito. so ayun. yun na lang muna.

Advertisements

About this entry