Week 1 : June 23-30

last summer, binigyan kami ni maam sharon (head librarian ng engg lib 2) ng chance para mag-OJT ulit sa kanila this 1st semester. hindi daw nila yun usually pinapayagan pero in our case, papalampasin daw muna nila for two reasons : (1) maraming aasikasuhin dahil ililipat na din daw ang mga MMM collections sa nasabing library and (2) sobrang galing lang talaga namin. as in. hahahaha.

maraming benefits kung tutuusin sakaling sa engg lib 2 ulit kami nag-OJT. unang-una, kilala na namin yung mga staff dun kaya wala ng adjustment period. pangalawa, marami kaming kakilala sa department of computer science hindi dahil nanggaling kami dun kundi sadyang friendly lang talaga kami. at pangatlo, sobrang sarap din naman kasi talagang magtrabaho dun. state of the art ang peg.

pero sympre, may underlying setback sa mga nasabing benefits sa itaas. actually isa lang siya : maraming trabahong gagawin. sino ba naman ang may gusto nun? hahahaha. kaya napag-isipan naming maghanap muna ng ibang library at kung walang wala na talaga, kapit na sa patalim aka engg lib 2.

fortunately, nakapasok naman kami sa GT-Toyota/Asian Center Library. feel ko lang talaga i-type yung buong pangalan nito kasi sobrang legit eh. si mr. per liwanag yung head librarian dito at sobrang napaka-accomodating niya. unang-una niyang sinabi sa amin na huwag daw naming papabayaan ang pag-aaral at wag masyadong ubusin ang oras sa pag-OJT. matatapos at matatapos din daw naman kasi namin ito kahit na minimal hours lang ang ilaan namin per day. namimigay din siya ng libreng pagkain from time to time. astig!

honestly, first time kong makapunta sa library na ito. kahit nung nasa romulo pa siya noon, di ko pa ito nabibisita kahit minsan. nagkaroon kami ng mini-tour around the building pati na rin sa library mismo. kapansin pansin yung pagkaka-shelve ng mga libro : according to country siya. kaya medjo mahirap maghanap ng libro kung hindi mo alam saang certain part of asia siya tungkol.

umiikot sa dalawang klase ng task ang trabahong binigay sa akin. una ay sa circulation desk. ito yung gusto ko talaga. makakapag-interact ka kasi sa ibang tao. though medjo somewhat na-overwhelm ako sa dami ng taong nanghihiram at yung dami ng hinihiram nila. sabado kasi yun at sabi ni sir, ito daw talaga yung araw kung saan maraming gumagamit ng lib. wala kasing undergrad degree ang asian center, puro masters at phd kaya naman sabado lang talaga yung time kung saan pwede sila mag-library. the other task naman eh yung medjo ayaw ko. slight lang naman haha. descriptive cataloging. though hindi naman siya ganoon ka-complicated gaya ng mga binibigay sa exam, madalas akong nagtatanong sa mga kasamahan ko (minsan kay sir) kung paano nga ba ginagawa ito.

so far so good naman. sa tingin ko, isa sa mga challenges na ma-eencounter ko for this sem regarding my OJT is yung time management talaga. gusto ko din kasi matapos na kaagad kaya I am doing my best na maging diligent sa pagpunta at pagpasok sa GT-Toyota/Asian Center.

Advertisements

About this entry