Week 2–6 : July 2–August 4

rather than giving us different tasks evrytime sa library, binigyan na lang kami ni sir liwanag ng mga projects na dapat naming gawin at matapos for this sem. ang na-assign sa akin ay yung pag-ttype ng mga shelf list cards kasi karamihan sa kanila hand written pa din. this past few days/weeks, lagi lang akong nakaharap sa typewriter which is nice kasi hindi ka ma-ttempt mag-facebook habang nagttrabaho kasi, well, hindi ka pwede mag-internet sa typewriter haha.

sobrang inconvenient gumamit ng typewriter. kwento ko sa inyo kung bakit. unang-una, manual siya. kailangan matigas yung pindot mo sa mga letra para kumagat sa papel. literal na madiin dapat ang pagpindot kaya hindi ka masyadong makakapag-speed type dito.

pangalawa, hindi ko alam kung bakit pero may mga times na kahit anong diin at tigas ng pindot mo, hindi kumakagat sa papel yung mga letra. kailangan mong “hampasin” or “ibagsak” muna yung typewriter para makalog yung mga piyesa nito and eventually gagana na siya ulit. pangatlo, maingay siya. and considering na nasa loob ako ng library, siguro na-aannoy yung ibang users. buti na lang hindi masyadong marami ang gumagamit ng library kapag nag-ttrabaho ako dun.

pang-apat, bawal magkamali. though may mga ways naman para burahin kapag nagkamali ka ng type, hassle ito. siguro mas okay pang kumuha na lang ako ng bagong card at magtype from scratch kaysa gawin ko yung proseso ng pagbubura. lastly, panglima, may ibang characters na iba ang position kumpara sa keyboard na ginagamit sa computer. may mga pagkakataong inaabot ako ng 5 mins. kakahanap sa symbol na ‘double quotes’ only to realize wala palang ganon sa typewriter. instead, kailangan mong itype ng dalawang beses yung ‘single quote’ na character hahaha.

pero despite all the inconvenience, itinuturi kong kaibigan at hindi isang kasangkapan lamang ang typewriter na ginagamit ko dahil hanggang sa matapos ang sem na ito, siya na ang aking magiging karamay sa lahat ng aking mga gagawin.

Advertisements

About this entry