about me

isa na siguro sa mga pinaka-mahirap na pwede mong itanong sa akin bukod sa math, eh ang i-describe ang sarili ko. hindi ko rin talaga alam kung bakit. siguro kasi likas na sa akin ang pagiging mahiyain at mapagtimpi. haha. kaya kkwentuhan ko na lang kayo ng mga random stuff tungkol sa akin which you might find pretty peculiar and interesting. tutal, diyan naman ako magaling. or not. haha.

nung maliit na bata pa ako, gusto ko maging fireman. bukod sa gusto kong pumatay ng apoy at mag-save ng buhay ng maraming tao, gusto kong ma-experience yung pag-slide down sa pole na usually nakikita sa mga palabas. isipin mo, araw araw kong gagawin yun, para na rin akong nasa heaven. and then i realized na boring pala ito. kaya naman gusto kong maging astronaut na lang. bata pa lang ako hipster na ako. ayoko ng eroplano, gusto ko spaceship. pero as i grew up, marami akong nabasa tungkol sa mga side effects ng pagiging astronaut, at isa dun ay ang pagliit (ng height). hindi na nga ako matangkad, liliit pa ako, ice naman. kaya up until today, hindi ko pa alam kung ano gusto ko maging paglaki.

minsan akong nag-try outs sa football varsity team namin nung elementary. mga grade 2 ata ako nun. marunong ako mag-football pero hindi ko naman hilig. pinilit lang ako ng parents ko. para daw hindi ako maging payat at sakitin. pinagsisisihan ko at hindi ko ito sineryoso. isipin niyo na lang kung gaano karaming chicks ang humahabol sa akin ngayon kung tinuloy ko ito. tsk. hindi din pala ako tumutugtog ng kahit anong musical instrument, another disappointment sa buhay ko. gustuhin ko man mag-aral ngayon, masyado nang malala ang sakit ko na kung tawagin ay katamaran.

naging student council president ako nung high school. wag niyo nang itanong kung bakit. hindi ko rin alam ang sagot diyan. pero grabe lang ang perks. may opisina ka na pwedeng pagtambayan. aircon pa. tapos kasama pa yung pangalan mo sa mga sulat na pinapadala ng school niyo. swag +100. tapos iba yung gumagawa ng totoong trabaho, im livin the life. hahaha.

gaya nga ng sabi ko kanina, sobrang tamad ako. hindi lang pagdating sa acads kundi sa maraming bagay. example : kapag biglang umulan at may kasama akong may payong, makikisilong na lang ako sa kanya. kahit na may payong pa akong dala. bakit? kasi nakakatamad kunin sa bag at hassle kapag may dala-dala kang basang payong. digs? haha.

ayoko sa mga taong hayok na hayok mag-bakasyon tapos kapag wala ng pasok, magrereklamo sila kasi daw walang magawa at sobrang boring. gusto kong sampalin ang mga kaluluwa nila.

paborito kong accessory ang puka shell necklace.

mahilig ako magsulat. highschool pa lang ako may blog na ako. ang dami kong naiisip na cool stuff habang nag-ccommute at habang nasa CR. medjo OC din pala ako. nakuha ko siguro sa nanay ko.

nagsisimba ako tuwing linggo. feeling ko it is worth noting kasi konti na lang ata ang nagsisimba ngayon.

na-feature ako sa yahoo news. nahuli akong kumakain sa MRT, apparently, bawal pala yun. sauce.

naging guest na din pala ako sa DZUP. radio station sa UP, no big deal haha.

paborito kong ulam ang adobo. pati hipon. at carbonara. haha.

gusto ko ang kulay blue.

Advertisements


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


for what it’s worth

thanks sa pag-visit. spread the word. peace out.

%d bloggers like this: