Project Infinity

alam niyo, proven fact na ito : maraming makabuluhang bagay kang maiisip habang tumatae. parang kanina lang, bigla kong naisip (habang tumatae) na gumawa ng listahan kung bakit unfair ang mundo sa mga kalalakihan.

aminin na natin. talagang api ang mga kalalakihan sa society. at alam ko ang iyong iniisip. bakit? heto ang aking mga patunay.

ps. once a day lang ako mag-popost. para di ma-saturate ang aking mga ideas. gusto ko kasi laging fresh. parang fresh mango shake.

game.

1. Hindi ka pwedeng magpasama sa CR sa kapwa mo lalake. Di tulad ng mga babaeng by groups kung makapunta ng banyo.

Migz :  Pre, samahan mo ko.

Melvin : Saan?

Migz : Sa CR.

di lalagpas ang 24 hours at nasa tunaynalalake.blogspot.com na ito. at may caption na : “usapan ng mga di tunal na lalake”.

pero…

Cza : Uy, punta tayo CR!

Charlene (and 7 other girls) : Tara!

walang problema sa usapang yan. in fact, pwede mo pa yang lagyan ng caption na: “awww, sweet”

For marriage to be a success, every woman and every man should have her and his own bathroom. The end.

-Catherine Zeta-Jones


About this entry